Politics

Trump, Digong mag-aaybol

MANILA, Philippines –  Kasado na ang pagkikita nina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump sa darating na Nobyembre matapos kumpirmahin mismo ni Trump na tuloy ang kanyang pagbisita sa bansa.

Kamakalawa ng gabi ay mismong si Trump ang tumawag kay Duterte pagkatapos ng pagdaraos ng ika-30 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Manila na dinaluhan ng 10-member head of states at inimbitahan pa si Pangulong Duterte na bisitahin siya sa White House.

Inianunsyo ni Duterte na hinihintay niya ang pagtawag ni Trump sa kasagsagan ng kanyang press conference matapos ang ASEAN Summit sa Philippine International Convention Center (PICC) kamakalawa ng gabi.

Kinumpirma ng White House-Office of Press Secretary at ng Malacañang na natuloy ang phone conversation nina Trump at Duterte at naging “friendly” ang kanilang pag-uusap at tinukoy ang takdang pagbisita ni Trump sa Pilipinas sa Nobyembre.

Sinabi ng White House-OPS na pinag-usapan nina Trump at Duterte ang isyu sa seguridad sa rehiyon kabilang na ang nagbabad­yang giyera sa Korean Peninsula dahil sa banta ng North Korea.

“President Donald J. Trump spoke today with President Rodrigo Duterte of the Philippines. It was a very friendly conversation, in which the two leaders discussed the concerns of the Association of Southeast Asian Nations regarding regional security, including the threat posed by North Korea,” ayon sa statement ng White House.

Pinag-usapan din ng dalawang Pangulo ang pagsisikap ng Duterte administration sa drug war nito sa Pilipinas, ang epekto ng droga sa iba pang mga bansa at sa buong mundo.

“They also discussed the fact that the Philippine government is fighting very hard to rid its country of drugs, a scourge that affects many countries throughout the world,” ayon pa sa statement.

Inimbitahan din ni Trump si Duterte na bumisita sa White House ngayong taon upang matalakay nila ang kahalagahan ng US-Phl alliance na ngayon umano ay nasa tamang direksyon.

“President Trump enjoyed the conversation and said that he is looking forward to visiting the Philippines in November to participate in the East Asia Summit and the US-Asean Summit,” ayon pa sa White House.

Magugunita na nagkalamat ang diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at US matapos ang hayagang pagkontra ni dating US Pres. Barack Obama sa war on drugs ni Duterte na nagbunsod umano ng libu-libong extrajudicial killings at human rights violations.

Ilang beses ring minura ni Duterte si Obama dahil sa umano’y pakikialam sa internal affairs ng Pilipinas.

Kasama sa East Asia Summit and 10 ASEAN member at ang US, Australia, China, India, Japan, New Zealand, Russia, at South Korea.

source: Pilipino Star Ngayon

Comments

comments



Most Popular


To Top