Health

Luya: Halamang Gamot sa Ubo at Sipon

Luya: Halamang Gamot sa Ubo at Sipon

Ang luya ay isang natural na decongestant o pangtanggal ng bara sa ilong kaya ito ay mabisang halamang gamot sa ubo. Ito ay matagal nang ginagamit para labanan ang mga impeksyon sa lalamunan at daanan ng hangin.

Ang luya ay may antiviral at expectorant properties din na nakatutulong para maibsan ang pagbabara sa lalamunan at dibdib na makatutulong saiyo na makahinga ng maluwag.

Magdagdag ng isang kutsara ng sariwang luya na hiniwa sa isang tasa ng kumukulong tubig. Hayaan ito sa loob ng ilang minuto at lagyan ng honey o asukal. Inumin ito bilang salabat ilang ulit sa maghapon.

Pwede ka namang magnguya ng sariwang luya o magdagdag ng maraming luya sa inyong mga lutuin.

LUYANG DILAW: GAMOT SA UBO NA HERBAL

Ang luyang dilaw o turmeric ay may malakas na antiseptic properties na may kakayahang magpabawas ng plema sa pamamagitan ng pagpatay ng mga bacteria na dahilan ng sobrang pagdami ng plema. Nakapagpapalakas din ng immune system ang turmeric. Kaya ito ay isa sa pinaka mabisang halamang gamot sa ubo at sipon.

Mgadagdag ng isang kutsarita ng luyang dilaw sa isang baso ng mainit na gatas. Uminom nito isang beses kada umaga at isa naman bago matulog sa gabi.

Kumain ng kalahating kutsarita ng turmeric at uminom ng isang baso ng tubig dalawa o tatlong beses kada araw.



Most Popular


To Top