Sports

Pacquiao magreretiro sa boksing ‘pag tumakbong presidente – Roach

MANILA, Philippines – Kumpiyansa si Freddie Roach sa kaniyang pinakamatinik na alagang si Manny Pacquiao na malayo pa sa pagreretiro at marami pang laban ang ikakasa.

Sinabi ni Roach sa Boxing News na kaya pang lumaban ng eight division champion ng ilang taon pa.

 “I would say maybe at some point soon [Pacquiao will retire]. He’s still really looked good in his last fights, he’s Manny Pacquiao, he’s got a mean streak in him. I don’t think that’s gone away,” wika ni Roach.

“When he runs for president then he’ll give up!” dagdag niya.

BASAHIN: Pacquiao patutunayang hindi pa siya tapos sa boksing

Kasalukuyang senador si Pacquiao na may anim na taong termino. Bago nito ay nagsilbi siyang kinatawan ng Saranggani ng tatlong taon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Panahon ng kampanya nitong nakaraang taon nang magretiro siya sa boksing upang tutukan aniya ang trabaho sa Senado.

Abril nang talunin niya si Timothy Bradley at nailuklok siya bilang senador noong Hulyo ngunit nakipagsagupaan din kay Jessie Vargas noong Nobyembre.

Makakasagupa sa darating na Hulyo ng 38-anyos na boksingero ang hindi kilalang school teacher at Australian boxer Jeff Horn sa Brisbane, Australia.

Gagamitin ni Pacquiao ang pagkakataon upang patunayan na may ibubuga pa siya at naniniwala naman dito si Roach.

“When he’s done he will retire and I will be the first one to let him know,” sabi ni Roach.

“He is a good test for us to see where we’re at this point. If we do or don’t continue, how much is being a senator [affecting] training for Manny Pacquiao. The camp went really well when he was a congressman. Congressman is not quite as demanding as a senator. That remains to be seen,” dagdag niya.

source: Pilipino Star Ngayon

Comments

comments



Most Popular


To Top