Duterte Administration

Misuari walang balak kasuhan ng rebelyon- Panelo

Walang balak ang Malakanyang na kasuhan ng rebelyon si Moro National Liberation Front o MNLF Chairman Nur Misuari matapos itong magbanta na maglulunsad ng giyera sa Mindanao kung hindi matutuloy ang pederalismo.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang naturang pahayag ni Misuari ay hindi nila itinuturing na inciting to rebellion.

Nilinaw ni Panelo na ang naturang pahayag ni Misuari ay sa lebel lamang ng pagkakaibigan nila ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala din umano ang opisyal na hindi na gaya ng dati ang lakas ng pwersa ng MNLF matapos itong mahati sa Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Magugunitang sa ilalim ng pinagtibay na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay mas nakalalamang ang kinatawan ng MILF sa lupon kumpara sa MNLF.


Naging banta ni Misuari hindi ikinatuwa ng ilang senador

Hindi Ikinatuwa ng ilang senador ang bantang giyera sa Mindanao ni Moro National Liberation Front o MNLF Founding Chairman Nur Misuari sakaling hindi umano matuloy ang pederalismo sa bansa.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, hindi ganun kadali ang nais ni Misuari para sundin ang anomang sabihin nito dahil lamang siya ay isang Pilipino.

Kinuwestiyon din ni Sotto kung mayroon bang umiiral na batas para sa mga nagbabanta sa gobyerno

Para naman kay Minority Leader Franklin Drilon, walang sinuman ang dapat na pinapayagan na magbanta sa bansa.

Ipinaalala naman ni Senador Panfilo Lacson ang papalapit na transition ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao kaya’t dapat aniya ay patuloy ang monitoring ng Armed Forces of the Philippines partikular kay Misuari.

Magugunitang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsiwalat sa naging pulong nila ni Misuari kung saan sinabi umano ni Misuari na kung hindi maisusulong ang pederalismo ay magkakaroon ng giyera.

source: dwiz882am

Comments

comments



Most Popular


To Top