Duterte Administration

Inagurasyon ng Marawi Heroes Memorial pinangunahan ni Pangulong Duterte

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng itinayong Marawi Heroes Memorial sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City kahapon.

Layon ng ipinatayong bantayog na bigyang pagkilala at pagpupugay ang 160 sundalo ng Armed Forces of the Philippines, walong personnel ng Philippine National Police sa pakikipagbakbakan ng mga ito sa Marawi City matapos tangakaing sakupin ng Maute-ISIS group nuong 2017.

Sa pagdalo ng pangulo sa aktibidad, ipinaabot nito ang pasasalamat sa pamilya ng mga naulilang sundalo para sa hindi matawarang serbisyo at katapatan na inilay ng kanilang kaanak para sa bansa.

Ipinarating din ng pangulo sa pamilya ng mga nasawing sundalo na palaging bukas ang Malakanyang para sa kanila.

source: dwiz882am

Comments

comments



Most Popular


To Top