News

Manila Water bukas na magpatupad ng rate adjustment

Bukas ang Manila Water na magpatupad ng adjustment sa bill ng kanilang mga customers matapos magkulang hanggang sa mawala ng suplay ng tubig ilang bahagi ng Metro Manila at Rizal.

Sa kanyang pagharap sa ipinatawag na pagdinig ng Senado, sinabi ni Manila Water President at CEO Ferdinand Dela Cruz na pinakikilos niya na ang kanyang team para makapagbigay ng ginhawa sa kanilang mga customers na matinding naapektuhan ng kawalan ng tubig.

Kabilang aniya sa kanilang ikinukunsidera na pinakamadaling paraan dito ang pagkakaroon ng adjustment o pagbabawas sa water bill ng kanilang mga customers.

Dagdag ni Dela Cruz, kanilang aabisuhan ang Senate Committee on Public Services oras na matalakay na nila ang mas makabubuti para sa kanilang mga siniserbisyuhan.

Bukod pa aniya ang planong rate adjustment sa natalakay nila kasama ang MWSS na penalty system.


Manila Water pinabilis na ang mga proyektong makakadagdag sa suplay ng tubig

Pinabilis na ng Manila Water company ang mga proyekto nilang makakadagdag sa suplay ng tubig.

Makakatanggap na ng dalawang milyong litro kada araw ang Manila Water mula sa Maynilad water services simula sa araw na ito.

Ayon kay Jeric Sevilla, spokesman ng Manila Water, magiging 24 million liters ito pagdating ng april 2 at 32 million liters sa kalagitnaan ng ng Abril hanggang sa makumpleto ang pangako nilang 50 million liters.

Maliban dito, sinabi ni Sevilla na ang mga deepwells nila na dapat ay magiging operational pa sa Mayo ay sisimulan na anumang araw mula ngayon.

“Yung scheme na ipinatupad po natin ngayon, ito po yung rotational scheme talaga so may mga oras talaga. Halimbawa, the most part of Quezon City, ang tubig po nila nagkakaroon lang ng 5:00am hanggang 5:00pm. Hindi po 24 hours so bagamat 90% na kung tutuusin, hindi poi to nangangahulugan na 24 hours na po yung serbisyo. Basta po meron po silang tubig within the window noong rotational water supply.”

source: dwiz882am

Comments

comments



Most Popular


To Top