Entertainment

Kris kay Ipe: ‘Ni hindi mo man lang mayakap si Josh, 7 years kang hindi nakikita’

Naglabas na ang dating SAP Bong Go ng public apology kay Kris Aquino kaugnay sa biro nila ni Phillip Salvador sa sorties na pinupuntahan ng naturang senatoriable.

Sinabi niyang wala silang intensyong saktan o pagtawanan si Kris.

Pero buong pagpakumbabang nag-sorry si Bong Go, at sinabi naman ni Kris sa kanyang mga pahayag sa Facebook Live kamakalawa ng gabi na tumawag daw sa kanya si Bong Go para personal na mag-apologize.

Sabi nga niya sa kanyang FB live na gusto niyang iparating kay Bong Go; “You’re man enough to give me a call…tinawagan mo ako.

“Yung tatay ng anak ko, hindi siya gumawa ng pa-­raan para hanapin man lang.

“Hindi mahirap na pinuntahan man lang sana ni Phillip Salvador si Josh at niyakap man lang sana niya.”

Ayun! Si Kuya Ipe ang binuweltahan niya at nilitanya ang mga pinagdaanan niya noon nung magkasama sila, pati ang pag-amin na ang aktor ang naka-devirginized sa kanya.

Pati ang affair daw ng aktor kay Rosanna Roces ay inungkat na niya.

Ang punto lang ni Kris dito, ang biro raw na iyun ay hindi naman siya sinaktan, kundi ang anak nilang si Joshua. “Sana naisip that line ‘niloko mo si Kris.’ What does that make of your son? Produkto siya ng panloloko?” sabi ni Kris.

Pinuri nga ni Kris si Bong Go na nagpakalalaki raw ito na tumawag sa kanya at humingi ng sorry.

Wala man lang daw ginawa si Kuya Ipe, na alam naman daw niyang pag makita ito ni Joshua ay tiyak na yayakapin lang siya.“Pero sana man lang, yung batang minahal ka, yung batang 7 years na hindi ka nakikita.. pero nakikita ko sa cellphone niya at sa Ipad niya, naka-search ka eh, pinapanood ka. Sana man lang, siya naisip mo, dahil kadugo mo siya eh. Who cares about Kris Aquino?

“Yun ang totoo. You don’t care about me, you should care about Joshua, because that child never hurt you, and to this day the child says mahal ka niya,” bahagi pa ng mensahe ni Kris kay Kuya Ipe.

Lumaki ang isyung ito dahil sa pagsasalita ni Kris sa kanyang FB live. Hindi na yata gaanong napansin ang pagkabasura ng kasong isinampa niya kay Nicko Falcis sa Pasig. Sa pagkakaalam ko, may lima pang kasong nakabinbin sa Prosecutor’s office at inaabangan na rin kung meron bang aakyat nito sa korte.

Nababahala sa mga flop na pelikula, Indie Film wala pang 10 ang sinehan

Kasabay ng presscon ni Arnell Ignacio kaugnay sa pag-resign niya sa OWWA na ginanap sa Annabel’s Morato nung nakaraang Miyerkules ng hapon, sa kabilang function room naman ay may meeting pala ang film producers para pag-usapan ang kalagayan ng mga pelikulang lokal na ipinapalabas sa mga sinehan.

Tapos na ang Pebrero, ang pelikulang Alone/Together lang nina Liza Soberano at Enrique Gil lang ang talagang tumabo sa takilya.

Lahat ay sumemplang sa takilya at ewan ko lang kung may nabawi roon ang mga producer. Nakakabahala na nga ito, kaya pinag-usapan na nila ito ngayon.

Kagaya nitong nakaraang Miyerkules na kung saan may mga bagong pelikula na namang ipinalabas, mas malaki pa ang kinita ng Alone/Together na nasa pangatlong linggo na kesa sa dalawang pelikulang nagbukas.

Ang Familia Blondina ni Karla Estrada ay halos 800 thousand lang daw ang kinita.

Ang Second Coming naman nina Jodi Sta. Maria at Marvin Agustin ay hindi pa umabot ng 500 thousand.

Samantalang ang Alone/Together ay naka-P2.8-M pa raw nung araw na iyun.

Nakakabahala na nga. Kaya seryosong pinag-usapan na ito ng producers nung araw na iyun. Meron pa palang isang indie film na ipinalabas nung nakaraang Miyerkules, ang I Love You LC, pero hindi na ito binilang dahil wala pa yatang sampu ang sinehan nito.

source: philstar.com

Comments

comments



Most Popular


To Top