News

Jim Paredes umamin sa sex scandal

MANILA, Philippines — Inamin ng dating APO Hiking Society member na si Jim Paredes na siya ang lalaki sa kumalat na sex scandal kung saan makikita ang “paglalaro” nito sa kanyang ari.

Una nang itinanggi ni Paredes ang nasabing viral video na sinabi nitong peke pero sa kalaunan sa kaniyang blog post ay inamin rin na siya ito at sinabing pribado ang sex video at hindi niya alam kung paano ito kumalat.

Ayon sa singer sa kanyang blogsite, hindi raw nito alam kung ano ang kanyang magi­ging reaksyon matapos malaman na kumalat ang dapat na pribadong video.

Ayon kay Paredes, nag-isip at nagdasal muna siya bago magdesisyong aminin ang pagkakamali.

“Today, I wish to express my truth. I am a flawed person, a human being, much like everyone else. I made a mistake, I was irresponsible. And I am truly sorry. The video was real. It was private, and not meant for public consumption. I do not know how it became public. I can only surmise that in this ugly season of toxic politics, muckrakers determined to neutralize my influence by viola­ting my privacy and digging up dirt on me are at work,” ani Paredes.

Sa huling bahagi ay nag-sorry ito sa lahat ng taong nadismaya sa kanyang nagawa.

Una nang itinanggi ni Paredes ang viral video at tinawag pa tong fake news.

Sa video ay makikita na siya ay naka-earphones, nilalaro ang kaniyang ari habang may ka-chat.

Samantala, nakahan­da ang PNP na imbestigahan ang sex video ni Paredes.

Ayon kay PNP spokesperson Police Col. Bernard Banac, sa ngayon ay wala pa silang report na humingi ng tulong sa kanila si Paredes para matukoy kung sino ang nag-upload ng natu­rang sex video ng singer.

Pero giit nito na willing ang PNP na mag-imbestiga dahil paglabag ito sa Cybercrime Law.

Maging si PNP Chief Oscar Albayalde ay nakahanda raw mag-assist sa 67-year-old veteran singer kung maghahain siya ng pormal na reklamo sa PNP Anti-Cyber Crime Group.

Kailangan lamang dumulog muna si Paredes at maghain ng pormal na reklamo sa PNP bago nila imbestigahan ang kaso.

source: philstar.com

Comments

comments



Most Popular


To Top