News

Duterte sa LGBT: Huwag mahiya, gawa ka ng Diyos

MANILA, Philippines — Sa gitna ng pangangampanya para sa senatorial candidates ng kanyang partido, muli namang nagpakita ng suporta ang Pangulong Rodrigo Duterte sa mga may piniling kasarian.

“Bakit ka mahiyang bakla, gawa ka [na]man ng Diyos?” dagdag niya.

Sinabi ito ng pangulo sa campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan sa Malabon City nitong Martes.

“God created all of us. Male, female, tomboy, pati bakla,” wika ng presidente.

Dati nang nagpahayag ng suporta si Duterte sa same-sex marraige, sa kabila ng pagtutol dito ng maraming religious organizations.

“Payagan na silang mag-asawa. Magkaparehong kasarian, sige. Magsama sila,” sabi ni Duterte noong Pebrero.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang aprubahan ng Brunei ang parusang bitay para sa mga taong nakikipagtalik sa kaparehong kasarian.

Sa kabila ng mga anunsyong kumikiling sa mga lesbyana’t bakla, makailang beses nang nabatikos si Digong pagdating sa kanyang mga kontrobersyal na pahayag pagdating sa mga kababaihan.

source: philstar.com

Comments

comments



Most Popular


To Top