Politics

Abogado ni Sister Pat nirerespeto ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte

Nirerespeto ng abogado ng Australian Nun na si Sister Patricia Fox ang kautusan ni Pangulong Rodrigo  Duterte na ipaaresto sa Bureau Of immigration ang naturang madre   dahil sa pagiging  undesirable alien nito.

Ayon kay Atty. Jobert Pahilga, wala naman silang magagawa kung ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagpapa-aresto kay Fox ta tangi nilang maaaring gawin ay patunayang walang nagawang masama ang kanyang kliyente.

Mayroon naman anyang karapatan ang  B.I. na mag-issue ng mission orders subalit dapat itong ipatupad ng maayos.

Iginiit ni pahilga na hindi agad dapat inaresto ng b.i.  Sister pat bagkus ay nagsagawa muna ng pagtatanong at imbestigasyon dahil bago arestuhin ay wala naman itong nagawang krimen.

Magugunitang inaresto at ikinulong subalit kalauna’y pinalaya ng mga immigration personnel ang madre sa B.I. office sa  Maynila  dahil sa pagbatikos  nito sa umano’y human rights violation ng Duterte administration.

source: dwiz882am

Comments

comments



Most Popular


To Top