World

OFW na pinapainom ng bleach, ikinuwento ang kanyang paghihirap

Bumuti na ang kondisyon ng OFW sa Saudi na si Agnes Mancilla na naunang napabalitang pinainom ng kanyang employer ng “household bleach”

Dahil dito , nagawa nang maibahagi ni Mancilla kay Philippine Consulate General Edgar Badajos ang mga naranasan niyang pang – aabuso sa kamay ng amo.

Batay sa kwento ni Mancilla , pinainom siya ng amo ng liquid bleach nang hindi nito nagustuhan ang itinimpla niyang tsaa.

Kwento pa ni Mancilla , kadalasan ay tanging kape lamang ang laman ng kanyang tiyan sa loob ng mahigit isang buwan.

Tatlong oras lang din aniya ang kanyang pahinga kada araw kung saan nagsisimula siyang mag trabaho ng alas 5:00 ng umaga at matatapos siya ng alas 2:00 na ng umaga kinabukasan.

Samantala, nakatakdang makipagkita sa mga otoridad si Badajos para tiyaking masasampahan ng kaso ang amo ni Mancilla.

source: dwiz882am

Comments

comments



Most Popular


To Top