Uncategorized

Walang Pinoy na sugatan o nasawi sa ‘Santa attack’ sa Istanbul – DFA

Walang Pilipino na nasugatan o nasawi sa terror attack sa isang nightclub sa Istanbul, Turkey.

Ayon kay Foreign Affairs spokesperson Charles Jose, sa ngayon ay walang ulat ng anumang Filipino casualty sa naturang pag-atake na naganap sa Bagong Taon.

Sa report, nakasuot ng Santa Claus costume ang salarin nang walang-habas siyang magpaputok sa loob ng nightclub.

Sa latest toll, umakyat na sa tatlumpu’t siyam na partygoers, kabilang ang labing anim na banyaga, ang namatay, habang apatnapu ang sugatan.

Ang attacker ay ‘at large’ pa rin.

Maraming beses nang naging laman ng mga balita ang Istanbul dahil sa mga pag-atake.

Kabilang na rito ang triple suicide bombings sa Istanbul airport na ikinasawi ng tatlumpu’t anim na katao noong Hunyo 2016; habang nagkaroon din ng coup attempt noong Hulyo 2016 na ikinamatay ng apatnapu’t dalawang indibidwal.

sourceDZIQ990AM

Comments

comments



Most Popular


To Top