crime

Timbog! Marijuana plantation ng NPA sa Sarangani, sinalakay ng PNP, AFP

Timbog! Marijuana plantation ng NPA sa Sarangani, sinalakay ng PNP, AFP

Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Police Regional Office (PRO) 12 at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang marijuana plantation ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Nalus, Kiamba, Sarangani Province kahapon.

Sa ulat ni PRO 12 Regional Director Csupt Eliseo Tam Rasco, na nakarating sa Camp Crame, ang joint operation na may koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 12, ay ikinasa kahapon ng alas-6 ng umaga at tumagal hanggang alas-7 ng gabi.

Nagkaroon ng 15-minutong palitan ng putok sa naturang lugar bandang 11 ng umaga sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at hindi madeterminang bilang ng NPA na pinamumunuan ng isang kumander Gorio/Toto, na nagsitakas matapos ang engkwentro.

Walang iniulat na sugatan sa panig ng pamahalaan, at narekober sa encounter site ang isang .30 cal carbine rifle, 2 cal. 38 pistol, isang bandolier na may 8 magazines ng cal 30 ammo, 4 lalagyan ng bigas at gamit pangluto, mga subersibong dokumento at isang NPA flag.

Bandang alas-3:30 ng hapon, sa patuloy na pagtugis sa mga nagsitakas na NPA ay natunton ng mga tropa ang kanilang marijuana plantation sa naturang lugar.

Pero natangay na ng mga NPA ang karamihan sa mga tanim na marijuana at naiwan na lang sa taniman ang ilang mga tuyong tangkay at dahon ng marijuana at binhi.

Ang mga narekober na ebidensya ay dinala sa Kiamba MPS.

source: radyo pilipinas

Comments

comments



Most Popular


To Top