Politics

Rating ni Duterte bumagsak

MANILA, Philippines – Bumaba ang trust at performance ratings ni Pangulong Duterte nga­yong Marso 2017.

Ito ay base sa ulat ng Bayan Survey ng Pulse Asia na inilabas kahapon April 5, 2017 kung saan 76% ang trust ratings ng Presidente sa unang quarter ng 2017, na pitong puntos na mababa kumpara sa 83% noong December 2016.

Pinakamataas ang naitalang trust ratings ni Duterte sa Mindanao sa 90%; habang 74% sa NCR; 67% sa Luzon; at 84% sa Visayas.

Kung socio-ecomic class ang pag-uusapan, nakakuha si Duterte ng trust ratings na 84% mula sa Class ABC; 76% sa Class D; at 74% sa Class E.

Pagdating naman sa performance, mula sa 83% noong December 2016, bumaba ito sa 78% ratings ngayong Marso.

Sa tala ng Pulse Asia, 73% ng mga taga-NCR ang aprub sa performance ng punong ehekutibo; 71% sa Luzon; 86% sa Visayas; at 88% sa Mindanao.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Batay naman sa socio-ecomic class, 86% ang nakuha ni Duterte sa class ABC; 78% sa Class D; at 77% sa Class E.

Isinagawa ang survey ng ihain ni Magdalo Party­list Rep. Gary Alejano ang impeachment complaint laban kay Duterte sa Kamara.

Sa nasabing period din ay bumaligtad din si retired Davao City cop Arturo Lascanas at sinabi sa isang press conference na totoo ang Davao Death Squad, gayundin ang paglabas ng video message ni Vice-President Leni Robredo sa United Nations Commission on Narcotic Drugs hinggil sa extra judicial killings at ang pag-aresto kay Sen. Leila de Lima.

source: pilipino star ngayon

Comments

comments



Most Popular


To Top