Uncategorized

Pamilya Marcos pinayuhang magpatayo ng sariling Libingan ng mga Bayani

Hinimok ni Partylist Coalition President at Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe ang pamilya Marcos na huwag nang ihimlay sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa halip ay magtayo na lamang ng sariling Libingan ng mga Bayani sa Ilocos Norte  at doon ihimlay ang dating presidente.

Ayon kay Batocabe, dahil sa masyadong divisive ang usapin ay mas mainam kung magkaroon ng high moral ground ang pamilya Marcos sa isyu ng paglilibing sa tinaguriang diktador na Pangulo.

Aniya, hindi na dapat ipagpilitan pa ang paghihimlay kay Marcos sa LNMB sa Taguig  tutal naman ay nakapagpasya na ang Korte Suprema at si Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring ilibing sa LNMB si Marcos.

Babala pa ni Batocabe, kapag ipinagpilitan ang Marcos burial sa LNMB Taguig ay hindi malayo na ma-vandalize pa ito o kaya’y may humukay pa lalo hanggang ngayon ay marami pa ring tao ang galit na galit sa yumaong pangulo.

Kawawa rin aniya si Marcos kung aabot sa puntong mawawalan ng respeto kahit sa puntod nito.

Kapag magpapatayo ng LNMB sa Ilocos Norte para kay Marcos, mas sigurado na mas protektado ang bangkay nito at mananahimik na rin pati ang mga kritiko nito.

sourceDZIQ990AM

Comments

comments



Most Popular


To Top