Uncategorized

Ombudsman muling bubuksan ang Davao Death Squad investigation

Muling bubuksan ng Ombudsman ang imbestigasyon sa mga insidente ng pagpatay sa Davao City na kagagawan umano ng Davao Death Squad (DDS) noong panahong alkalde pa ng lungsod si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y matapos pormal na isara ng Ombudsman ang pagsisiyasat sa DDS killings isang taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang sa panayam ng Inquirer, kung may mga bagong iumpormasyon at ebidensyang lulutang, kanilang muling sisilipin ang mga fact finding investigation.

Si Carandang mismo ang nagsara ng imbestigasyon noong nakaraang taon.

Noon aniya, tanging ulat lamang ng Commission on Human Rights ang hawak na impormasyon ng Ombudsman dahil walang witness na gustong lumutang at magpatunay sa presensya ng Davao Death Squad.

Gayunman, may posibilidad nang maisulong muli ang imbestigasyon sa paglutang ni Edgar Matobato at pagsisiwalat nito na siya mismo ay naging bahagi ng DDS.

Inakusahan pa ni Matobato si Pangulong Rodrigo Duterte na pinuno umano ng DDS noong ito ay mayor pa lamang ng Davao City

sourceDZIQ990AM

Comments

comments



Most Popular


To Top