Politics

Napoles abswelto sa kasong serious illegal detention

MANILA, Philippines — Binaligtad ng Court of Appeals ang hatol ng Makati City court kay Janet Lim-Napoles upang mapawalang sala sa kasong serious illegal detention.

Sa desisyon ng appellate court noong Mayo 5, inabswelto ng Twelfth Division si Napoles dahil sa “reasonable doubt.”

 Dahil dito ay napawalang bisa ang hatol ng Makati City Regional Trial Court Branch 150 noong Abril 2015 sa reklamo ng biktima at pinsang si Benhur Luy. Hinatulan si Napoles ng reclusion perpetua o hanggang 40 taon pagkakakulong.

Si Solicitor General Jose Calida ang nagrekomenda sa korte na maabswelto si Napoles.

Samantala, hindi pa rin naman makalalaya ang tinaguriang pork barrel scam mastermind dahil sa kinakaharap na kasong plunder at graft.

Si Luy din ang whistleblower at state witness sa pork barrel scam na kinabibilangan ng mga opisyal ng gobyerno kabilang ang nakakulong na sina dating Sen. Bong Revilla Jr. at Sen. Jinggoy Ejercito.

source: Pilipino Star Ngayon

Comments

comments



Most Popular


To Top