Uncategorized

Metro Manila, nananatili sa Signal #2

Habang papalapit ang bagyong ‘Nina’ nananatiling nasa ilalim ng Tropical Cyclone Warning Signal Number 2 ang Metro Manila.

Bagama’t sa pinakahuling pagtaya ng PAGASA, hindi tatami ng direkta ang anturang bagyo sa Kalakhang Maynila, naghahanda pa rin ang mga local na pamahalaan sa epekto nito.

Inaasahang maapektuhan ng bagyo ang Metro Manila bukas ng hapon kung kailan ito pinakamalapit.

Sa pagtawid ng bagyo sa Catanduanes, inaasahang dadaanan rin nito ang mga lalawigan ng Camarines Sur, Camarines Norte, Southern Quezon, Laguna at Batangas bago lumabas ng dagat.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour.

Inaasahang mararamdaman ang epekto ng bagyo bukas.

sourceDZIQ990AM

Comments

comments



Most Popular


To Top