News

Malacañang nanindigan para kay Albayalde

MANILA, Philippines — Nanindigan ang Malacañang na hindi dapat magbitiw sa puwesto si Philippine National Police chief Police General Oscar Albayalde dahil sa pagkamatay ng 14 na magsasaka na pinaghihinalaang mga komunista sa Negro Oriental.

Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, walang basehan ang panawagan ng ilang grupo na dapat magbitiw na sa posisyon si Albayande.

Idinagdag ni Panelo na lehitimo ang nasabing operasyon at may dala-dalang search warrants na galing sa korte ang mga sumama sa operasyon.

Ayon kay Panelo, ginagamit ng Karapatan at iba pang grupo ang nasabing insidente para magalit ang mga mamamayan sa mga awtoridad.

Nanindigan din si Panelo na hindi masaker ang nangyari at wala namang nangyaring masama sa mga sumuko kahit pa may mga nakuha umanong ilegal na bagay mula sa kanila.

Ipinunto rin ni Panelo na isang pulis ang nasugatan sa operasyon na nagpapakita na lumaban sa mga awtoridad ang ilan sa mga suspek.

source: philstar.com

Comments

comments



Most Popular


To Top