Uncategorized

Lola, nasawi sa sunog sa QC; 1,000 pamilya naapektuhan

Isang 74-anyos na lola ang kumpirmadong nasawi sa mahigit limang oras na sunog na tumupok sa mga kabahayan sa NIA Road, Bgy. Pinyahan, Quezon City.

Kinilala ang nasawing biktima na si ginang Corazon Sioson na hindi na nagawang makalabas ng kanyang tahanan nang magsimula ang sunog.

Sa inisyal na imbestigasyon, hinihinalang nag-umpisa ang apoy sa tahanan ng isang nagngangalang Ramon kung saan nakatira rin umano ang biktima.

Gayunman, patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente.

Dakong alas 7:30 ng gabi nang magsimulang lamunin ng apoy ang naturang lugar.

Dahil sa gawa sa light materials ang mga kabahayan, mabilis na kumalat ang apoy.

Umabot sa Task Force Delta ang alarma ng sunog bago tuluyang naapula dakong alas 12:48 ng hatinggabi.

Tinatayang nasa mahigit 1,000 pamilya ang nawalan ng tahanan sa naturang insidente.

sourceDZIQ990AM

Comments

comments



Most Popular


To Top