Uncategorized

Lanao Del Sur muling nilindol!

MANILA, Philippines — Muling nilindol ang isang bayan sa Lanao del Sur ngayong Huwebes, kasunod ng magnitude 6 na naitala kahapon

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na magnitude 5.3 naman na lindol ang naitala sa bayan ng Wao ganap na 4:01 ng umaga.

BASAHIN: Intensity 7 naranasan sa Lanao del Sur town

Intensity VI ang naramdaman sa Kalilangan, Bukidnon, habang Intensity V naman sa Wao at Valencia City at Intensity IV sa Kadingilan, Maramag at Pangantucan sa Bukidnon.

Umabot din sa Cagayan de Oro City ang Intensity III at Intensity II sa Cotabato City at Kidapawan City.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Walong aftershocks na ang naitala ng Phivolcs kasunod ng magnitude 5.3 na lindol.

Kahapon ay umabot ng Intensity VII ang naramdaman sa Wao at Kalilangan, Bukidnon.

source: Pilipino Star Ngayon

Comments

comments



Most Popular


To Top