News

Karapatan hinamong makipag-dabate sa AFP

Bumuwelta ang AFP o Armed Forces of the Philippines sa grupong karapatan matapos nitong itanggi ang naging pagbubunyag ni Deputy Chief of Staff for Civil Military Operations B/Gen. Antonio Parlade Jr.

Ito’y makaraang ibunyag ni parlade na tumatanggap umano ng pondo ang grupo bilang isa sa mga front NGOs o non-government organization ng CPP-NPA at NDF mula sa belgium maging sa mga bansang kasapi ng European Union.

Sa panayam ng DWIZ kay Parlade, sinabi nito na kaya umaalma ngayon ang grupo ay dahil sa nabuking na ng mga bansang sumusuporta sa human rights ang kanilang modus na gamitin ang nakukuha nilang pera sa pagpapalaganap ng komunismo.

“Bakit yung Karapatan hindi naman magpakita meron resulted trafficking n mga bata nito nila Satur Ocampo at Castro diyan sa Davao? Nasaan sila para ipagtanggol ang mga karapatan ng mga batang ‘yun? Mga IPs ‘yun – mga Lumad na nakita natin dala-dala nila walang pahintulot mga magulang. At palagi tuwing may engkuwentro may napatay na civilian, napatay ng NPA hindi naman nagpapakita ang mga karapatang ito na hman rights defenders sila.” Ani Parlade.

Una rito, hinamon ni Parlade ang grupong karapatan para sa isang pambansang debate kung saan, duon niya ilalatag ang aniya’y bultu-bultong ebidensyang magpapatunay sa kaniyang pagbubunyag.

Kasunod nito, nagtataka rin si Parlade kung bakit tila selective o may pinipili lamang ang grupo sa mga ipagtatanggol nito.

“Yan po ay pattern na nakikita natin tuwing may nahuhuli ang gobyerno mga NPA na involved sa mga engkwentro, andyan sila. Tuwing may mga nag-susurrender na mga witnesses na dating mga kasamahan nila na NPA, ayan andyan sila, hahabulin nila at kukunin nila sa gobyerno para hindi makapg-salita. Apparently, ayan ang purpose nila sa mundong ito mag-depensa sa mga kaalyado lang nila hindi sa mga naaapi.” Ani Parlade.

interview from Direk Heidi

Karapatan, iginiit na hindi sila tumatanggap ng pondo mula sa EU at Belgium

Tinawag na kasinungalingan ng grupong Karapatan ang pagbubunyag ni AFP Deputy Chief of Staff for Civil Military Operations B/Gen. Antonio Parlade Jr.

Ito’y kaugnay sa pagtanggap umano ng pondo ng iba’t ibang grupo na sinasabing front umano ng cpp-NPA at NDF mula sa mga bansang miyembro ng European Union at ng Belgium.

Ayon kay Cristina Palabay, secretary general ng grupo, lehitimo at rehistrado ang kanilang grupo sa Securities and Exchange Commission na ang layunin ay ipagtanggol ang karapatang pantao.

Nanindigan si Palabay na hindi sila tumatanggap ng anumang pondo mula sa ibang bansa taliwas aniya sa pagbubunyag ni Parlade na pawang kasinungalingan.

Itinuturing nilang adbokasiya ang pagtitiyak sa pag-iral ng karapatang pantao at hindi ito kailanman aniya ay hindi sila naging bahagi ng kilusang komunista na siyang ibinibintang sa kanila ni Parlade.

source: dwiz882am

Comments

comments



Most Popular


To Top