Politics

Hontiveros: ‘Pag babae ang tindi ng judgment, pero ‘pag lalaki…

MANILA, Philippines — Inalmahan ng baguhang  Sen. Risa Hontiveros ang double standard sa administrasyong Duterte kaugnay ng pambababae ng mga opisyal ng gobyerno.

 Sinabi ni Hontiveros na hindi pantay ang pagtrato sa mga kababaihan at lumabas ito nang pumutok ang isyu kina Sen. Leila de Lima at House Speaker Pantaleon Alvarez.
 “Kapag babae ‘yung tinugis nila noon, ang tindi ng judgment ‘tsaka ng persecution, naging political prosecution na rin. Pero pag sila, ititrivialize nila,” wika ni Hontiveros sa kaniyang panayam sa “The Source” ng CNN nitong Lunes.

BASAHIN: Alvarez umaming maraming anak sa labas

“Na dahil lalaki sila o ‘yun ang kanilang kaligayahan or whatever, that is a terrible double standard. (They are making it appear that) patriarchal values are alive and well even these days,” dagdag niya.

Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng iba pang opisyal ng gobyerno ang naging relasyon ni De Lima sa kaniyang dating driver at bodyguard Ronnie Dayan, habang tinawanan lang ang pagkakaroon ng girlfriend ni Alvarez kahit kasal pa sa ikalawa niyang asawa.

Inamin ni Alvarez na may girlfriend siya at hindi na sila nagsasama ng ikalawa niyang asawa. Hindi rin itinanggi ng House Speaker na marami siyang anak sa labas.

BASAHIN: House Speaker Alvarez handang ma-disbar sa pagkakaroon ng girlfriend

“Dapat sa paghahain, pagpasa ng matitinong batas, hindi pagpapakita ng sexism or misogyny or a double standard in relationships,” komento ni Hontiveros tungkol kay Alvarez.

Sa tingin ni Hontiveros ay kung lalaki si De Lima ay hindi pagpipiyestahan ang kaniyang naging relasyon.

“Kung lalaki siya, as witnessed today, hindi siya pahihirapan ng ganyang katindi, siguro kalahati lamang,” sabi ng senadora.

Kinasuhan na ng disbarment case si De Lima at Alvarez, ngunit hindi naman ikinakatakot ng House Speaker na mawalan siya ng lisensya sa pagiging abogado.

source: Pilipino Star Ngayon

 

Comments

comments



Most Popular


To Top