Uncategorized

‘Heavy’ rainfall advisory, nakataas sa ilang lugar na apektado ng bagyong ‘Auring’

Itinaas na ng Pagasa ‘Heavy Rainfall warning’ sa ilang mga lalawigang apektado ngayon ng bagyong ‘Auring’.

Sa Heavy Rainfall Advisory ng Pagasa na inilabas dakong alas 8:50 ng gabi, nasa ilalim ng banta ng mga pagbaha at landslide ang mga lugar ng:

Red’ warning:

-Dinagat islands,
-Siargao islands,
-Surigao Del Norte.

Sa ilalim ng ‘Red warning’ seryosong banta ng pagbaha ang dapat na paghandaan ng mga residente sa mga mababang lugar at landslides sa mga bulubunduking lugar.

Orange’ warning:

-Surigao Del Sur
-Agusan Del Norte.

Sa ‘orange warning’ naman, nagbabanta ang mga bagbaha at landslides.

Yellow’ warning:

-Camiguin
-Misamis Oriental.

Sa ilalim ng ‘Yellow’ warning, posible ang mga pagbaha sa mga mababang lugar at landslides sa mga bulubunduking lugar.

sourceDZIQ990AM

Comments

comments



Most Popular


To Top