Uncategorized

EO sa nationwide smoking ban pirmado na ni Duterte

MANILA, Philippines – Pinirmahan na ni Pa­ngulong Duterte ang Exe­cutive Order (EO) kaugnay ng nationwide smoking ban.

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ang EO 26 ay nilagdaan umano ng Pangulo noong Mayo 16 kung saan ay mahigpit na ipagbabawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar kasama na ang mga sasakyan sa buong bansa.

 “The executive order will actually mandate all the agencies of government, including the local government to implement this 100% smoking ban in all public places. It’s not just Metro Manila,” ayon naman kay Health Sec. Paulyn Ubial.

“There will be no smoking in public places anymore, whether indoor or outdoor. Parks, bus stations, and even in vehicles. All these are considered public places,” paliwanag pa ni Ubial.

Ang Department of Health ang inatasan ni Pangulong Duterte na bumalangkas ng executive order hinggil sa nationwide smoking ban.

Kasunod nito, asahan naman umano ang pagpapalabas ng kopya ng EO.

Ang EO ay ibinase sa Davao City smoking ban na ipinatupad ni Pa­ngulong Duterte noong alkalde pa ito ng naturang lungsod.

Itinaon naman ang paglagda ni Pangulong Duterte sa EO sa nationwide smoking ban sa pagdiriwang ng World No Tobacco Day na magtatapos sa Mayo 31.

source: Pilipino Star Ngayon

Comments

comments



Most Popular


To Top