News

De Lima, fisherfolk group suportado ang ICC complaint vs Xi Jinping

MANILA, Philippines — Umani ng suporta ang paghahain ng reklamong “crimes against humanity” laban kay Chinese President Xi Jinping ng mga dating opisyal ng gobyerno sa International Criminal Court kaugnay ng pinsalang idinulot ng pagtatayo ng mga isla sa South China Sea.

Kasama sa mga pumuri sa isinumiteng “communication” nina dating foreign affairs Secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales si Sen. Leila de Lima at militanteng grupo ng mga mangingisda.

“It’s a bold, unprecedented move but it’s very laudable,” sabi ni De Lima isang ambush interview sa kanya ngayong Biyernes.

Aniya, ipinakikita raw nito kung bakit kinakailangang manatili ng Pilipinas sa ICC.

“[K]ung ganyan na foreign aggressor ang involved eh saan tayo pupunta, kundi sa isang independent international body with universal jurisdiction?” dagdag ng senadora, na kasalukuyang nakapiit matapos iugnay sa kalakalan ng droga.

 

Comments

comments



Most Popular


To Top