Politics

Dating Senador Bong Revilla, muling pinayagang makalabas ng kulungan para dalawin ang amang may sakit

Pinayagan ng Sandiganbayan na makalabas ng kanyang kulungan si Dating Senador Ramon “Bong” Revilla.

Ito ay upang madalaw ang kanyang may sakit na amang si Dating Senador Ramon Revilla Sr.

Batay sa ibinahaging larawan ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla, pansamantalang nakalabas ang kanyang ama at dinalaw si Revilla Sr. kahapon, Abril 20.

Pinasalamatan niya rin dito ang Sandiganbayan sa pagpayag na pansamantalang makalabas ng kulungan ang dating senador.

Magugunitang kasalukuyang nakadetine si Revilla Jr. sa PNP Custodial Center matapos na makasuhan dahil sa pagkakasangkot sa PDAF scam.

source: dwiz882am

Comments

comments



Most Popular


To Top