Politics

Ako vs ‘8’ – Inday Sara

Debate tayo!

MANILA, Philippines — Matapang na hinamon kahapon ni Davao City Mayor Sara Duterte sa isang debate ang walong kandidato ng Otso Diretso.

Ito’y matapos ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang kahilingan ng Otso Diretso na bumuo sila ng mga panuntunan para bigyang-daan ang isang public debate ng mga senatorial candidate sa 2019 midterm elections.

Sa pahayag ng palabang anak ni Pangulong Duterte, sinabi nito na magiging mas ‘interesting’ ang debate sa pagitan niya at ng walong pambato ng oposisyon.

“I have no opinion on the Comelec decision. I think it is more interesting to watch Inday Sara vs. eight of them,” sabi ni Sara Duterte, na chairman ng HNP. “Kami na lang  [ang mga-debate], 1 is to 8.”

Sa panig naman ng Otso Diretso, ikinalungkot nito ang pagkakabasura ng Comelec sa kanilang kahilingan at sinabing “disservice to the Filipino people” ang desisyon.

“The failure of the Comelec to provide a venue for voters to hear the platform and stand on issues of the candidates on important policies is a disservice to the Filipino people,” ayon kay senatorial candidate at Magdalo party-list Rep. Gary Alejano.

Sabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, ibinasura nila ang kahilingan ng Otso dahil lalabas umano na may pinapaboran at binibigyan sila ng espesyal na trato kapag pinagbigyan ng komis­yon ang hiling na debate ng oposisyon.

Ayon pa kay Jimenez, kapos na rin sila sa oras para magtakda ng debate na kabibilangan ng 62 kandidato sa pagka-senador.

Hindi na rin kakayanin pa ang paghahanda sa isang debate sapagkat mayroon na lamang halos dalawang buwan para sa pagdaraos ng halalan sa darating na May 13.

source: philstar.com

Comments

comments



Most Popular


To Top