News

48 OFWs sa Malaysia ‘di pababayaan – Palasyo

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malacañang na hindi pinapabayaan ng gobyerno ang mga distress overseas Filipino workers (OFWs) sa ibang bansa.

Ito ang siniguro ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa kaso ng 48 OFWs na kasalukuyang nasa death row sa Malaysia dahil sa 11 paglabag sa ilalim ng Malaysian Law.

Sinabi ni Panelo, mayroon nang aksyon si Labor Sec. Silvestre Bello III kaugnay sa kaso ng mga OFW na ito.

Hinihintay na lamang nila ang ulat na magmumula sa Labor secretary kaugnay sa pinakahuling balita sa development ng mga nasabing kaso.

Lagi aniyang tinutugunan ng pamahalaan ang mga Filipino workers sa abroad na nangangaila­ngan ng tulong.

Sa ilalim ng batas ng Malaysia, kamatayan ang inihahatol sa mga mapapatunayang sangkot sa murder, rape resulting to murder, gang-robbery with murder, drug trafficking, kidnapping in order to murder, hostage-taking resulting in death at terrorism.

source: philstar.com

Comments

comments



Most Popular


To Top