Uncategorized

10 taon sa passport pakinabang sa OFW

MANILA, Philippines –  Malaki ang pakina­bang ng migrant workers sa batas na magpapalawig sa sampung taon mula limang taong validity ng pasaporte na kanilang ginagamit sa pagtungo sa ibang bansa upang maghanapbuhay at maghanap ng mas magandang kinabukasan, ayon kay Sen. Cynthia A. Villar.

 Pakay ng Senate Bill 1365 na baguhin ang Sec­tion 10 ng Republic Act 8239 o ang Philippine Passport Act of 1996 at palawigin ang validity ng regular na Philippine passport sa sampung taon mula limang taon.

Bilang vice chairperson ng Committee on Fo­reign Relations, inisponsor at ipinagtanggol ni Villar ang naturang batas sa Senate floor.

Nakatakdang apruba­han sa darating na Lu­nes ng Senado sa third reading ang panukalang batas matapos itong sang-ayunan sa second reading noong nakaraang linggo.

Inaasahan ni Villar na wala itong mahabang debate sa bicameral conference committee dahil ang ipinasang bersyon ng House of Representatives noong Pebrero ay pareho ng bersyon ng Senado.

source: Pilipino Star Ngayon

Comments

comments



Most Popular


To Top