Uncategorized

Sen Pacquiao magpapa-raffle ng mga sasakyan sa kanyang birthday

Pangungunahan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa ang mahabang listahan ng mga bisita sa ika-38 taong kaarawan ni Sen. Manny Pacquiao sa General Santos City ngayong gabi.

Sinabi ni Lee Ann Omega, organizer ng birthday party ng fighting senator na magpapa-raffle din si Pacquiao ng isang kotse at limang motorsiklo maliban pa dito ang mga appliances at cash.

Bago ang raffle, magsasagawa muna ang praise and worship service ang ilang mga pastor kasama si Pacquiao na susundan naman ng pagbibigay ng panalangin para sa mambabatas.

Maging sentro rin ng okasyon ang sinasabing special number na pangungunahan ni Mommy Dionisia.

Maaga pa lamang kanina ay nagpunta na sa mansion ng mga Pacquiao ang ilang local officials para batiin ang pambansang kamao.

Mahigpit na rin ang seguridad na ipinaiiral sa buong lungsod kung saan ay maaga pa lamang ay nakakalat na ang mga tauhan ng Presidential Security Group, Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

sourceDZIQ990AM

Comments

comments



Most Popular


To Top