Duterte Administration

San Miguel Corp, Nag-Pledge ng P1 Bilyon para sa rehabilitasyon ng Manila Bay

San Miguel Corp, Nag-Pledge ng P1 Bilyon para sa rehabilitasyon ng Manila Bay

Nangako ang San Miguel Corporation (SMC) ng tulong na P1 bilyon sa gobyerno para sa paglilinis ng Tullahan river bilang parte ng rehabilitasyon ng Manila Bay. Pumirma ang SMC ng memorandum of agreement (MOA) kasama ang Deparment of Environment andf Natural Resources (DENR) para sa isang komprehensibong paglilinis at dredging ng 59.24 kilometrong ilog.

Nagsisimula ang ilog ng Tullahan sa La Mesa Reservoir at dumadaan ito sa Valenzuela at Malabon, bago dumating sa Manila Bay.

“Yes, SMC will support DENR… The cleanup of the Tullahan River, like other river systems going out to Manila Bay, is crucial to bringing back the glory of the Manila Bay…We are proud to partner with the DENR on this project. In the last couple of months, we have seen what can be done when our government has both political will and a clear understanding of what can be done to make a difference,” sabi ni SMC President at Chief Operating Officer Ramon Ang.

Sa ulat ng Manila Bulletin, tinawag ni Ang ang Tullahan RIver na isang patay na ilog.

“when you think of the Tullahan, you think of a dead river, an eyesore and a health hazard. But with the leadership and resolve of DENR Secretary Roy Cimatu and President Rodrigo Duterte, we know all this will change, just like in Boracay and the Manila Bay,” ani Ang.

Sa ilalim ng pinirmahan na MOA, ang SMC ang pangangasiwa sa implementasyon ng cleanup at dredging plan ng DENR. Maglalagay din ng trash trap ang SMC.

Source: GMA | MB | citizenexpress



Most Popular


To Top