Politics

Robredo Camp: P185M gagastusin sa poll protest kay Bongbong lahat singilin

MANILA, Philippines – Dahil sa pagkwestyon sa resulta ng eleksyon, ang talunang vice presidential candidate at dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  dapat ang magbayad ng P185 milyong gagastusin sa poll protest, ayon sa kampo ni Vice President Leni Robredo.

Sinabi ng abogado ni Robredo na si Romulo Macalintal ngayong Lunes na dapat ipasagot ng Presidential Electoral Tribunal (PET) kay Marcos ang lahat ng gagastusin para sa 92,509 clustered precincts.

 Nitong nakaraang linggo ay inutusan ng Korte Suprema na umuupo rin bilang PET sina Marcos at Robredo na magdeposito ng P66 milyon at P15.4 milyon, ayon sa pagkakasunod, para sa gagawing pag-iimbestiga sa Vote Counting Machines (VCM), Consolidating Canvass System (CCS) units, Secure Digital (SD) cards (main and back up) at iba’t ibang election paraphernalia na ginamit noong eleksyon 2016.

Tinukoy din ni Macalintal ang “First Cause of Action” ni Marcos nang kwestyunin ang 92,509 clustered precincts dahilan upang hindi maibalik ng Commission on Elections ang mga VCM.

Dahil dito ay sinisingil naman ng Smartmatic ang Comelec ng P2.1 bilyon dahil sa hindi pagbabalik ng mga kagamitan sa napagkasunduan deadline noong 2016.

Sa computation ng kampo ni Robredo ay P185 milyon ang dapat bayaran ni Marcos sa pagkwestyon sa 369,138 established precincts kung susundin ang computation ng PET na P500 kada presinto.

Samantala, iginiit naman ng kampo ni Robredo na handa silang sumunod sa korte ngunit kailangan muna maghain ng mga ebidensya ni Marcos sa kaniyang reklamo.

“Kailangan patunayan muna ni Mr. Marcos na talagang meron po siyang ma-rerecover na mga boto. Kailangan siya muna ang magpa-deposit, siya muna ang magpa-bukas ng mga balota at makita natin kung talagang may basehan ang kanyang protesta,” wika ni Macalintal.

“Bakit kami magde-deposit ng P15- million pero pagkatapos naman pala ay wala naming mangyayari? So iyan ang hinihingi naming sa Korte Suprema,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Macalintal na aabutin ng mga nasa 740 araw bago matapos ang pag-review sa 36,465 clustered precincts.

“Wala kaming idea kung kalian matatapos ito.”

source: Pilipino Star Ngayon

Comments

comments



Most Popular


To Top