Uncategorized

Reinstatment ni Supt. Marvin Marcos, kinuwestyon ng oposisyon sa Kamara

Kinundena ng oposisyon sa Kamara ang reinstatement ni CIDG Region 8 Supt Marvin Marcos sa kabila ng patuloy na imbestigasyon sa pagkakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Giit ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano, isa itong pagsuway sa professionalism sa hanay ng PNP na pagbigyan ni PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa ang reinstatement ni Marcos.

Disyamado rin si Alejano dahil ang naging aksyon ni dela Rosa na pagbigyan ang hiling ng isa umanong kumpare ay taliwas sa ipinagmamalaking slogan ng Duterte administration na “change is coming”.

Dahil dito, malaki ang implikasyon na may basbas mula sa taas ang naging operasyon sa Leyte Provincial Jail na ikinamatay ni Espinosa at ng isang pang inmate.

Nauna nang sinabi ni Senator Leila de Lima na si Bong Go ang tumawag kay General Bato para ibalik sa pwesto sa CIDG Region 8 si Marcos.

Pero agad namang pinabulaanan ni Go at sinabing tsimis lamang ang impormasyon na sinabi ni de Lima.

sourceDZIQ990AM

Comments

comments



Most Popular


To Top