Duterte Administration

Railway projects na natulog ng 2 hanggang 4 na dekada, inuumpisahan na ngayon – DOTr

Railway projects na natulog ng 2 hanggang 4 na dekada, inuumpisahan na ngayon – DOTr

Binubuhay ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang ilang railway project na nakatengga hanggang dalawang dekada.

Sa weekly economic briefing sa Palasyo ng Malacañang, sinabi ni DOTr Undersecretary Timothy John Batan na ilan dito ang North Rail project na inumpisahang pag-aralan noon pang 1993.

Sinimulan na aniya ang konstruksiyon nito nuong nagdaang Pebrero 15 na kung saan, pagdudugtungin ng nasabing railway project ang Central Luzon at Maynila.

ALSO READ: Mga Major railway projects ng bansa matagal natengga, itinutuloy lang ng Duterte administration

Tatagos din aniya ang linya nito sa Calamba, Laguna na dito’y nangangailangang pag-ugnayin ang may 22 local government units at kayang magsakay ng dalawang milyong mga pasahero sa isang araw.

Umpisa na rin, ayon kay Batan, ang paggawa ng common station ng MRT at LRT sa EDSA matapos na matengga ito ng 10 taon.

Idinagdag din ng DOTr official na pagkatapos ng apat na dekada, sa wakas ay nasimulan na rin ang konstruksiyon ng kauna-unahang subway railway project, na 1977 pa pala ipinanukala ng bansang Japan.

Pagdudugtungin nito ang Valenzuela City at Quezon City hanggang NAIA Terminal 3, na kayang magsakay ng 1.3 milyong pasahero kada araw.

ALSO READ: Mga Major railway projects ng bansa matagal natengga, itinutuloy lang ng Duterte administration

source: Radio Pilipinas by ulat ni Alvin Baltazar

Comments

comments



Most Popular


To Top