Hinamon ng PNP o Philippine National Police ang grupong Alliance of Concerned Teachers o ACT na kasuhan si CPP Founder Joma Sison.
Ito’y matapos maibasura ang inihaing kaso ng ACT laban sa PNP kaugnay sa umano’y profiling ng mga ito sa mga guro.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde, mas dapat tinutugis ng grupo si Sison dahil ito ang hayagang nagpapakalat sa isang campaign video na front organization umano ang ACT ng CPP-NPA.
Sa ngayon, nasa proseso pa rin ng pangangalap ng ebidensya ang PNP laban sa ACT at kapag nakumpleto na nila ito, sinabi ni Albayalde na babalikan nila ang grupo ng mga guro hanggang sa matanggalan pa ang mga ito ng kanilang lisensya.
source: dwiz882am