Politics

Peace negotiations sa CPPA-NPA-NDF, tuloy ayon kay Bello

Tuloy pa rin ang pakikipag negosasyon ng pamahalaan  sa CPP-NPA-NDF.

Ito  ang  tiniyak ni Government Panel  Chair at Labor Secretary  Silvestre Bello the Third sa harap ng     patuloy na  mga  birada kay  Pangulong Rodrigo Duterte ni CPP Founder Jose Maria Sison.

Sinabi ng  kalihim na  matatawag  na  “words  of   endearment”  lamang ang  mga    binibitawang  salita ni Sison  lalot magkaibigan naman aniya ang mga ito  at     dati   ring    estudyante  ng  Communist  Leader      si  Pangulong Duterte.

Binigyang diin  pa  ni Bello na    wala namang   bigat  sa peacetalks  ang    mga      pahayag  ni  Sison.

Matatandaang     sinabi ni Sison    mas  gugustuhin niyang sumama sa     mga grupong  nais   patalsikin  sa puwesto    ang Pangulo  kaysa     isulong ang      peacetalks.

source: dwiz882am

Comments

comments



Most Popular



To Top