Uncategorized

Pangulong Duterte, tiniyak kay Robredo na hindi mapapatalsik sa pwesto

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang ikinakasang ouster plot laban kay Vice President Leni Robredo.

Paniniguro pa ng pangulo, mananatili si Robredo hanggang sa matapos ang kanyang termino.

Sa ambush interview sa pangulo sa ground-breaking sa Bicol International Airport sa Legaspi Albay, sinabi nito na wala naman silang away ni Robredo.

Bagamat walang away, sinabi ng pangulo na sadyang may mga bagay lang na hindi sila nagkakasundo ni Robredo.

Matatandaang paulit ulit na sinasabi ni Robredo na may ikinakasang ouster plot laban sa kanya.

Sa ngayon, nakabinbin pa sa Presindential Electoral Tribunal ang electoral protest na inihain ng kanyang nakalaban sa vice presidency na si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos.

sourceDZIQ990AM

Comments

comments



Most Popular


To Top