Uncategorized

Pangulong Duterte hindi kumportable kay Robredo ayon sa Malacañang

Hindi naging kumportable si Pangulong Rodrigo Duterte sa political actions ni Vice President Leni Robredo kung kaya inatasan ito na huwag nang dumalo sa mga cabinet meeting.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kapag kasi hindi na naging kumportable ang pangulo sa isang cabinet member ay may karapatan itong magpalit ng isang miyembro.

Una rito, sinabi ng palasyo na ang “irreconcilable differences” ang dahilan kung kaya pinagbawalan si Robredo na dumalo sa mga cabinet meeting.

Kasabay nito, inatasan ng malakanyang ang mga cabinet members na kung maari ay gawing discreet na lamang ang mga personal na pananaw ukol sa mga polisiyang ipinatutupad ni Pangulong Duterte.

Hindi naman sinabi ng tagapagsalita ng pangulo kung mayroon pa bang ibang miyembro ng gabinete ang hindi na nila padadaluhin sa mga pulong sa mga darating na araw.

sourceDZIQ990AM

Comments

comments



Most Popular


To Top