Politics

Pangulong Duterte at Nur Misuari nakatakdang muling mag-usap

Muling mag-uusap sina Pangulong Rodrigo Duterte at MNLF o Moro National Liberation Front founding chairman Nur Misuari.

Ito ay ayon MNLF spokesman kay Atty. Emmanuel Fontanilla, oras na makabalik na ng bansa si Misuari.

Aniya, gaganapin ang muling pag-uusap nina Pangulong Duterte at Misuari sa Davao City.

Bagama’t hindi na idinetalye ni Fontanilla ang magiging sentro ng pagpupulong ng dalawa, kanyang tiniyak ang patuloy na pagtitiwala ng MNLF sa administrasyon Duterte.

Gayundin ang commitment ng MNLF na makamit ang totoo at pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

source: dwiz882am

Comments

comments



Most Popular



To Top