Uncategorized

Pang-iintriga ni Sen. Leila de Lima kay Presidential Assistant Bong Go bahagi ng “oust Duterte” plan ayon kay Sen. Alan Cayetano

Tinuligsa ni Senator Alan Peter Cayetano si Senator Leila De Lima dahil sa aniya ay pang-iintriga kay Special Assistant to the President Christopher Bong Go.

Sinabi ni Cayetano na nais ni De Lima na mapagtakpan ang mga kontrobersiya na kanyang kinasasangkutan.

Giit ng senador sa halip na gumamit ng squid tactics makakabuti aniya kay De Lima na sagutin na lang ang mga alegasyon laban sa kanya.

Banggit pa ni Cayetano ang pang-iintriga kay Go ni De Lima ay bahagi ng plano na patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

At upang mapalitan ito ng kanilang kaalyado na patungkol kay Vice President Leni Robredo.

Magugunita na kahapon ibinunyag ni De Lima na si Go ang nag-utos kay Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa na ibalik sa puwesto ang sinibak na Director ng CIDG Region 8 na si Police Supt. Marvin Marcos.

sourceDZIQ990AM

Comments

comments



Most Popular


To Top