Politics

Pagbagsak ng isang footbridge sa Zamboanga City paiimbestigahan

Paiimbestigahan na ni Negros Occidental 3rd District Rep. Alfredo Benitez, Chairman ng House Committee on Housing and Urban Development ang mga umano’y sub-standard government project.

Magugunitang  nahulog sa sina Benitez, Zamboanga City 1st District Representative Celso Lobregat, Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar at ilang empleyado ng National Housing Authority sa pagguho ng isang wooden footbridge sa Barangay Rio Hondo sa naturang lungsod.

Ayon kay Benitez, bagaman isolated case, ang naturang insidente ay malinaw na manipestasyon na mababa ang kalidad ng materyales na ginamit sa footbridge.

Nagtamo ng maliit na galos sina Benitez at Lobregat sa pagkahulog sa footbridge habang abala sa pag-iinspeksyon ng umano’y sub-standard housing projects para sa mga survivor ng  2013 Zamboanga siege.

source: dwiz883am

Comments

comments



Most Popular


To Top