Politics

Ombuds Morales, aminadong nasaktan sa mga birada ng Pangulo

Inamin ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na nasaktan siya sa mga birada laban sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y sa harap ng kaniyang pahayag na ang war on drugs ng administrasyon ay nanghihikayat pa sa publiko na pumatay ng kanilang kapwa.

Pero matapang na sinabi ni Morales sa eklusibong panayam sa kaniya ng CNN Philippines na bagama’t nasaktan siya sa birada ng Pangulo, hindi naman aniya katanggap-tanggap na himukin ang bawat Pilipino na patayin ang kanilang kapwa.

Gayunman, humingi ng paumanhin si Morales sa Pangulo kung nasaktan man ito sa kaniyang mga naging pahayag subalit iyon aniya ang totoo at iyon ay normal lamang na reaksyon ng kahit sinong tao na tatanungin hinggil sa isyu.

source: dwiz882am

Comments

comments



Most Popular



To Top