Government

Mga bihag na sundalo at CAFGU ng NPA, pauuwiin sa kanilang pamilya sa Pasko

Mga bihag na sundalo at CAFGU ng NPA, pauuwiin sa kanilang pamilya sa Pasko

Pakakawalan ng New People’s Army (NPA) ang kanilang binihag na dalawang sundalo at 12 CAFGU sa Agusan del Sur, para makapiling ang kanilang mga pamilya sa Pasko.

Ito ang inihayag ni CPP Founding Chair Jose Maria Sison sa isang statement, kasabay ng pagsabi na ito ay sa kondisyon na itigil ng militar ang kanilang opensiba sa lugar.

Ito ay upang bigyang daan ang negosasyon para sa pagpapalaya sa mga binihag na sundalo at CAFGU sa pamamagitan ng 3rd party negotiators.

Magugunitang nakubkob ng 50 hanggang 80 NPA ang Army detachment sa Brgy. New Tubigon, Sibagat, Agusan del Sur nitong Miyerkules ng alas-3 ng madaling araw.

Bukod sa pagbihag sa mga sundalo at CAFGU ng walang naganap na putukan, natangay din ng NPA ang lahat ng mga armas ng tropa ng pamahalaan.

Ayon kay Maj. Gen. Ronald Villanueva, Commander ng 4 ID, batay sa inisyal na imbestigasyon, natutulog ang lahat ng mga tropa sa kampo nang sumalakay ang NPA.

source: radyo pilipinas| Leo Sarne

Comments

comments



Most Popular



To Top