Duterte Administration

Mayor Sara Duterte pinahuhuli sa mga kapulisan ang mga lasing na drayber sa kalsada

Mayor Sara Duterte pinahuhuli sa mga kapulisan ang mga lasing na drayber sa kalsada

Ipinag-utos ni Mayor Sara Duterte sa Davao City Police Office (DCPO) na paigtingin ang panghuhuli ng mga lasing na drayber sa kalsada.

Sa panayam kay Mayor Sara nitong Lunes, sinabi nito na gusto niyang palakasin ng local police ang kanilang operasyon dahil isa ito sa kampanya ng national government para makaiwas na rin sa mga disgrasya sa daan.

Ayon sa mayora na kailangan na nilang makipag-ugnayan sa Land Transportation Office (LTO) 11, para sa kanilang guidelines, lalo na sa paggamit ng breathalyser na ibibigay sa police na manghuhuli.

Bilang suporta na rin, nagbigay ito ng 20 motorsiklo at ang 12 nito ay ilalaan para sa Anti-Drunk and Drugged driving operations.

Nagpaalala din si Mayor Sara sa mga enforcer, na huwag magpadala sa mga suhol ng mga nahuhuling drivers, at sinabi nito na dodoblehin ng city hall ang anumang halaga na isusuhol sa kanila. (RPD)

source

Comments

comments



Most Popular



To Top