Politics

Martial Law buong Pinas posible

MANILA, Philippines – Posibleng palawigin ni Pangulong Duterte ang pag-iral ng Martial Law hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong Pilipinas kapag lumitaw na mayroong banta sa seguridad ang bansa mula sa terror group na Maute at ISIS.

 Ito ang binigyang-diin kahapon ni Pangulong Duterte sa kanyang arrival statement sa NAIA terminal 2 mula sa Moscow, Russia.

“I might declare Martial law throughout the country to protect the people. I might declare martial law throughout the country if terrorism reaches Luzon,” sabi ng Pangulo na duma­ting bandang alas-4:31 ng hapon mula sa Moscow.

Sinabi din ni Pangulong Duterte na sinuspinde niya ang writ of habeas corpus sa Mindanao habang umiiral ang Martial Law at posibleng ganito din ang kanyang ipatupad sa sandaling palawigin sa buong bansa ang pagdedeklara ng Martial Law.

“Arrests without warrants, searches, checkpoints will be allowed in Mindanao,” wika pa ng Pangulo habang umiiral ang Martial Law.

Sinabi rin ni Duterte, hindi siya magdedeklara ng curfew sa ibang panig ng bansa pero may ilang lugar itong lalagyan ng curfew para maprotektahan ang mamamayan laban sa mga terorista.

Nagbigay din siya ng babala sa mga pumapanig sa kaaway ng gobyerno na siguradong aarestuhin ang mga ito at ikukulong kahit walang arrest warrant dahil sa pag-iral ng Martial Law.

Nagdesisyon ang Pa­ngulo na putulin ang kanyang official visit sa Russia dahil na rin sa kaguluhang nilikha ng Maute group at ISIS sa Marawi City kung saan nagsasagawa ng pag-atake, pagpapasabog at pagsusunog ng mga establisimyento kabilang ang simbahan at panghohostage ng mga sibilyan at pari.

“I need to immediately return because of Marawi crisis. We are still in a state of emergency,” paliwanag pa ng Pangulo.

“Maute group has taken over hospital in Marawi, burned down facilities, and flew ISIS flag. I had to declare martial law in Mindanao for a period not exceeding 60 days. The privilege of the writ of habeas corpus is likewise suspended in areas under martial law. Maute group has committed crime of rebellion,” dagdag pa ng Pangulo.

“It is our constitutional mandate to enforce the law and provide security. Let me assure you that the primordial concern is the safety and welfare of our people. There is compelling reason to declare martial law in Mindanao. Government must put an end to this,” giit pa ng Pangulo.

Siniguro din ni Duterte na hindi niya papayagan ang anumang pag-abuso habang umiiral ang Martial Law.

“I will assure you that I will not allow abuses (on declaring Martial Law). As president, if I cannot confront them, not capable of keeping order, I will resign. I am appealing to the humanity of everybody, do not allow the ISIS to come in,” dagdag pa ng Pangulo.

“Pakiusap ko sa mga Moro, I don’t want to fight you. Peace talks will continue,” sabi pa ng Pangulo.

source: Pilipino Star Ngayon

Comments

comments



Most Popular


To Top