crime

Look: 55 public transport drivers sa buong bansa, nagpositibo sa drug testing ng PDEA

Look: 55 public transport drivers sa buong bansa, nagpositibo sa drug testing ng PDEA

Sa kabuuang 4,470 drivers, abot sa 55 tsuper ng pampublikong transportasyon ang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga, na sumailalim sa drug testing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ilalim ng Oplan: “Harabas” program.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino ang drug testings ay isinagawa sa 54 na major public transportation terminals sa buong bansa.

Ang limampu’t apat na tsuper na binubuo ng 24 na jeepney drivers, 13 tricycle drivers, 11 taxi cab drivers, 5 UV express van drivers, at 1 bus driver ay nagpositibo sa paggamit ng methamphetamine hydrochloride o shabu, habang ang isang tricycle driver naman ay nagpositibo sa paggamit ng marijuana.

Ang Oplan Harabas ay isang simultaneous surprise mandatory drug testing sa lahat ng tsuper sa mga public terminal nationwide, na layong tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero sa pagbiyahe at isulong ang isang drug-free public transport system sa buong bansa.

Base sa datos ng PDEA, mula January 2018 hanggang January 2019, 3,654 na tsuper, mga konduktor ng bus at dispatchers ang naaresto dahil sa paggamit ng illegal drugs.

Sa ikalawang semester ng 2018, abot sa 1,902 ang naaresto at may pagtaas ng 37%, mula sa 1,386 na naaresto sa unang semester.

source: radyo pilipinas / Rey Ferrer

Comments

comments



Most Popular


To Top