Duterte Administration

Konstruksiyon ng Metro Manila Subway opisyal nang sisimulan sa Feb. 27

Konstruksiyon ng Metro Manila Subway opisyal nang sisimulan sa Feb. 27

Opisyal nang sisimulan ang konstruksiyon ng Metro Manila Subway sa ika-27 ng Pebrero, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ang pahayag ay ginawa ni DOTr Secretary Art Tugade na kasalukuyang nasa Japan upang magsagawa ng pag-i-inspeksyon sa tunnel boring machine na gagamitin sa proyekto.

Sinabi ng Kalihim na sa susunod na linggo ay patutunayan ng kanyang ahensiya sa mga taong nagdududa at nagsasabing pangarap lang ang subway system sa ating bansa na iyon ay tunay.

“The Metro Manila Subway is the Philippines’ first-ever underground railway system. Before, people cast doubts and said it is all but a dream. But, on February 27, we will show them that this is real,” anang DOTr secretary.

Dalawang kumpanya na gumagawa ng tunnel boring machines ang binisita ni Tugade kasama ang ilan pang opisyal ng DOTr at Japanese counterparts nila.

Una silang nagtungo sa pabrika ng JIM Technology Corporation sa Yokohama. Ang naturang kumpanya ang itinuturing sa Japan bilang nangunguna sa paggawa ng mga tunnel boring machines.

Sunod nilang pinuntahan ang Hitachi Zosen’s Sakai Works (HZSW) factory sa Osaka. Nakagawa na ang Hitachi ng 1,300 tunneling machines at may record din na nakagawa na ng 130 tunnels sa ibang bansa.

Habang nasa Hitachi ang grupo ni Tugade, ipinakita sa kanila ang Neo RISE technology nito.

Ang Neo RISE technology ay isang “no engine power” at “no human operation” seawall na awtomatikong tumataas upang protektahan ang isang istruktura mula sa baha.

Kinukonsidera ng DOTr na gumamit ng Neo RISE technology na ikakabit sa mga entrances ng Metro Manila Subway stations.

Ang Metro Manila Subway ay magkakaroon ng 15 istasyon mula sa Quirino Highway hanggang sa FTI at Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Inaasahan na magiging operational ang unang tatlong istasyon sa taong 2022 at sa 2025 naman ang inaasahang full operation nito.

Comments

comments



Most Popular


To Top