Politics

Kilos protesta kasabay ng ikatlong SONA ni Pangulong Duterte tiniyak ng iba’t ibang militanteng grupo

Asahan na ang pinakamalaki at pinaka malawak na kilos protesta laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin sa kanyang ikatlong SONA o State of the Nation Address sa Lunes.

Ayon kay Bayan Spokesperson Teddy Casiño, magsasama – sama ang mga militanteng grupo at iba pang Anti- Duterte groups gaya ng “Movement Against Tyranny”, “Babae Ako Movement Coalition for Justice ” at “Tindig Pilipinas”.

Mag- ma-martsa ang mga grupo mula sa UP Diliman at mag titipon – tipon sa isang programa sa St. Peters Church sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Sesentro ang protesta laban sa Charter Change, paglabag sa karapatang pantao at atake sa soberenya ng Pilipinas.

Samantala, pinaghahandaan na rin ng mga militante ang paggawa ng “effigy” ni Pangulong Duterte na tatawagin nilang “duter- train”.

source: dwiz882am

Comments

comments



Most Popular



To Top