Politics

Kaso laban sa magkapatid na Parojinog nai-raffle na sa korte

Nairaffle na ng Ozamiz City Regional Trial Court ang kasong kriminal na isinampa ng DOJ o Department of Justice laban sa magkapatid na Vice Mayor Nova Princess Parojinog Echavez at Reynaldo Parojinog Jr.

Napunta sa Branch 15 ng Ozamiz RTC ang kasong illegal possession of firearms, ammunition and illegal drugs ang kinahaharap ni Vice Mayor Echavez sa sala ni Judge Edmundo Pintac.

Habang sa Branch 35 naman sa sala ni Judge Salome Dungog napunta ang mga kasong illegal possession of drugs, firearms and ammunition gayundin ang illegal possession of explosives laban kay Reynaldo Jr.

Kaugnay nito, naniniwala naman si Judge Pintac na dapat gawin sa neutral place o sa labas ng Ozamiz City ang pagdinig sa kaso ng magkapatid na Parojinog.

Habang pinag-aaralan naman ni Judge Dungog na bumitiw sa kaso dahil nakatakda na siyang magretiro sa Agosto 22.

source: dwiz882am

Comments

comments



Most Popular


To Top